Wednesday, November 10, 2010

Chapter 1

Tutok na tutok si Ayeesha sa pinanunuod na horror film. Halos hatingggabi na ng mga oras na iyon. Kaya naman Halos mapalundag  sya sa pag kagulat ng bigla nalang mag ring ang telepono na ilang dipa lamang ang layo sa kanya.

Sinong matinong tao ang tatawag ng ganitong oras?maliban nalang kung emergency ang pakay ng caller. Pero malabong mangyari iyon dahil kanina pa naghihihilik ang mga kasama niya sa bahay. Nagtataka at kinakabahan man ay dahan-dahan niyang iniangat ang awditibo.

"T-tulungan mo ako," anang kahindik-hindik na tinig ng isang babae sa kabilang linya. Kasabay niyon ay may narinig siyang nakakakilabot na alulong ng aso.
Sindak na nabitawan nya ang awditibo. Magtititili na sana siya sa takot ng maulinigan niya mula sa bumagsak na receiver ang pamilyar na halakhak ng isang lalaki.

Gigil na gigil na kinuha niya muli ang awditibo.
" Hoy, Alexander Duke Fuentebella kung wala kang magawang matino sa buhay mo mag patiwakal ka nalang." Singhal na sabi niya bago ibinagsak ang awditibo. One hundred and one percent siyang sigurado na ang lalaki ang nasa kabilang linya. Ito lamang maliban sa nakatatanda niyang kapatid ang may misyon sa buhay na asarin at buwisitin siya.

Bukod sa pagiging kaibigan ng kuya niya ay ka banda rin ito ni Nathan sa "Hitzmaker" ang bandang binuo ng mga ito tatlong taon na ang nakakaraan. They formed the band along with 3 more friends who share the same passion for rock and alternative music.

Inis man na naisahan na naman siya ni Duke nag papasalamat siya na ito ang nasa kabilang linya at hindi isa sa mga tauhan sa Horror film na pinanunuod niya.
"Ba't ganyan na naman ang hilatsa ng mukha mo?" puna ni Nathan ang kanyang nakakatandang kapatid.Hindi niya na malayan na bumaba ito. "Sino na naman ba ang kaaway mo?"

" Hoy, Nathaniel, Huwag kang mag-maang maangan diyan dahil alam kong kasabwat ka ng mongoloid na iyon!" sikmat niya rito.

"Ako?" nanlalaki ang mga matang itinuro nito ang sarili. " Bumangon lang ako para uminom, kung anu-ano na ang ibinibintang mo riyan."

Kung hindi niya lang ito kapatid ay maniniwala siya sa pam best actor na arte nito. Pero dahil kabisado na niya ang ugali nito kapag nabubuking ito sa ginawang kapilyuhan ay madali na para sa kanya na makilala ang kislap ng kalokohan na naglalaro sa mga mata nito.

"Puro na-- " Pinutol ng muling pag tunog ng telepono ang sasabihin niya. Halos natitiyak na niya na ang mongoloid na naman nitong kaibigan ang tumatawag. Magkasalubong ang kilay na iniangat niya ang awditibo at handa na sana itong talakan pero naunahan siyang magsalita nito.

"Hello? pwede bang makipag-phone sex, este phone pal? pinagbagsakan kasi ako ng telepono ng crush ko.Nalulungkot tuloy ako." wika nito sa malungkot na tinig.

"Hoy, lalaking walang magawa sa buhay! hintayin mo lang na magkita tayo at titiyakin kong hindi ka lang manghihiram ng mukha sa Aso. Ipapatira pa kita sa Hitmanat ipapabaon sa lupa.Doon ka dumaing!"

"Ang morbid mo naman ,Yeesha!" sabat nito sa pag tatalak niya."Padaingin mo nalang ako sa sarap, mas okay pa," dagdag pang-iinis nito. Hindi nito alintana ang pag kapikon niya.

Sa sobrang inis ay pinagbagsakan niya uli ito ng telepono.

"Si Duke ba'yon?"tanong ni Nath. Hindi niya ito pinansin." Tsk tsk tsk, Anu ba iyan gabing-gabi na nag e-LQ pa kayo?" Anito sabay umiling-iling na tila nababaghan sa kanya.

Sa kung anong dahilan ay ito lamang ang nakakaintindi, ay madalas sila nitong tuksuhin ni Duke, gayong alam nito na madalang pa sa patak ng ulan kapag El NiƱo ang mga sandaling hindi sila nag babangayan ng kababata.

Nang muling tumunog ang telepono ay pinukol niya lang iyon ng masamang tingin kaya ito na ang nag-angat ng awditibo at sumagot sa tawag.

Ayeesha

 TEASER
 Kung pwede lang ipatira sa Hitman si Duke Alexander Fuentebella ay matagal na itong ginawa ni Ayeesha. Misyon na ata nito sa buhay ang asarin siya. Wala itong ginawa kundi buntutan at inisin sa lahat ng ginagawa niya.
At ang mas kinaiinis nya, imbes na kampihan sya ng nakakatanda nyang kapatid ay ginagatungan pa nito ang pang-aasar sa kanya ng Binata. Mas pinili pa nito ang Mongoloid nitong Bestfriend kesa sa sariling kapatid nito!
Pero nagising na lamang siya isang araw na muling nahuhulog ang  loob dito.Ayaw niyang pakinggan iyon dahil isinumpa niyang hinding-hindi magkaka gusto kay Duke.
Kaya ba niyang tikisin ang muling pag-usbong ng damdamin para dito...? o pilit ikakaila ang nararamdaman para sa binata?will she take the risk?